Vendor utas sa kapwa vendor

MANILA, Philippines - Patay ang isang vendor matapos na saksakin ng kan­yang kapwa vendor kamaka­lawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Dead-on-arrival sa Mary Johnston Hospital si Rolando Ignacio, 38,  ng #310 F. Va­rona St., Tondo na nagtamo ng ma­raming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang pinaghahanap naman ang suspect na si Rolando Lopez, 22, ng Mata St., Tondo.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa panulukan ng #1425 Mata at Sampaguita Sts, Tondo.

Nabatid na nag-iinuman ang biktima at kapatid nitong si Anton nang galit na du­mating ang suspect at pinag­mumura ang una hanggang sa humantong sa pananaksak ng huli gamit ang isang kut­silyo. Mabilis namang tuma­kas ang suspect matapos ang isinagawang krimen.

Away sa negosyo naman ang nakikitang motibo ng pulisya sa insidente. (Doris Franche)

Show comments