P.5-milyong pekeng cosmetic product nasabat

MANILA, Philippines - Nasabat ng mga tauhan ng National Bureau of In­vestigation (NBI) ang may P500,000 halaga ng mga pekeng cosmetic products matapos na salakayin ang isang establisimento sa Quezon City.

Sa pamamagitan ng search warrant na inisyu ni Manila Regional Trial court Branch 28 Judge Nina An­tonio-Valenzuela, pina­sok ng NBI dakong ala-1:50 kama­kalawa ng hapon ang Izial Chemiehausen Corporation na nasa #48 Magsaysay Ave­nue, Doña Faustina Subdi­vision, San Bartolome Novali­ches, Quezon City.

Ayon kay Special Investi­gator III Isagani Illecas ng NBI-Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD), nakuha sa lugar ang mga lalagyan ng  mga cosmetic products kung saan nakalagay ang pekeng markang “Golden Fabulouz” trademark at logo  na pag­ma­may-ari ng Span Promo­tions and Marketing Incorporated.

Sinabi ni Illecas na ang kanilang raid ay bunsod na rin ng ginawang reklamo ni Eduardo Ortiz, na kumatawan sa Golden Fabulouz Inter­national Corp., matapos ang pagkalat ng mga pinekeng pro­dukto sa bansa.

Dahil sa reklamo, agad na nagsagawa ng surveillance at test buy ang mga operatiba ng NBI  at nakumpirma na peke ang mga naturang produkto.

Sasampahan naman ng paglabag sa Section 155 in relation to Section 170 (trade­mark infringement) at Section 168 in relation to Section 170 (unfair competition) of RA 8293 ang may-ari ng nasa­bing establisimento. (Doris Franche)

Show comments