2 AFP tipster instant millionaire

MANILA, Philippines - Instant millionaire ang dalawa sa anim na sibilyang tipster makaraang tumang­ gap ang mga ito ng  P9.2-M cash reward sa AFP sa ma­tagum­pay na pagkakaaresto sa mga pangunahing lider ng NPA at MILF elements ka­hapon.

Ang cash reward ay per­sonal na iniabot nina AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Rodrigo Maclang at AFP-Civil Relation Service (AFP) Chief Brig. Gen. Diego Cruz sa isang sim­pleng seremonya sa Camp Aguinaldo.

Sa nasabing okasyon ay inanunsyo ni Cruz na inapru­bahan na ni AFP Chief of Staff Gen. Victor Ibrado ang cash rewards na aabot sa P16.05 milyon para sa mga in­formers  na nagbigay daan sa pagkakalupig sa anim na pangunahing lider ng NPA rebels, apat na lider ng Abu Sayyaf at dalawang miyem­bro ng MILF-SOG (Special Ope­rations Group).

Inihayag nito na ang P9.2-M cash reward ay inis­yal pa lamang mula sa ka­bu­uang P16.05-M cash re­ward para sa masu­suwer­teng tipster.

Gayunman, alang-alang sa usapin ng seguridad ng mga bagong milyonaryong tipster at ng kanilang mga pa­ milya ay hindi tinukoy ang pa­ngalan ng mga ito upang ma­kaiwas sa resbak ng te­rorista at rebel groups. (Joy Cantos)

Show comments