Bangkay lumutang

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng 73-anyos na lolo ang natagpuang nakalutang sa estero ng Reina Regente sa Binondo, Maynila kahapon ng umaga. Sinabi ni Det. Dennis Javier ng Manila Police District na, base sa nakuhang senior citizen identification card sa bulsa ng bangkay, ang pa­ngalan nito ay Hilario Aquino, ng Dumpay, Basista, Panga­sinan. Bukod sa ID ay may P20 umano ito sa bulsa. Nakalagak na ang bang­kay sa Cruz Funeral Homes para sa safekeeping. (Ludy Bermudo)

Show comments