LTO office sinugod ng transport groups

MANILA, Philippines - Sinugod ng iba’t ibang transport groups at priba­dong sektor ang Land Transportation Office sa East Avenue, Quezon City kahapon.

Pinangunahan ng Pag­kakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), Proton, Bangon Transport, Anakpawis, Bayan Muna Private Motorists Againts RFID ang kilos-protesta para maibalik ang ka­nilang naibayad sa Radio Frequency Identification Device (RFID)  fee sa LTO.

Ikinatuwiran ng na­sabing mga grupo na dapat ibalik ang P350 RFID fee mula sa may-ari ng 90,000 mga sasakyan na nakapagrehistro mula Enero 4-11 ng taong ito base na rin sa ipinalabas na kautusan ng Korte Suprema.

Anila, nangangamba ang mga driver at moto­rista na posibleng nagas­tos o naibulsa na ng LTO at Stradcom ang mahigit P30 milyon na nasingil nito kaya hindi maipatupad ang refund kaya naman sa­sam­pahan nila ang mga ito ng kaso sa oras na hindi ma­ibalik ang nasabing RFID fee.

Iginiit naman ni LTO Chief Arturo Lomibao na handa silang isagawa ang refund sa oras na ito ay ipag-utos sa kanila ng Korte Suprema. (Butch Quejada / Angie dela Cruz)

Show comments