20 bahay naabo

MANILA, Philippines - Aabot sa P1 milyong halaga ng ari-arian ang napinsala makaraang masunog ang 20 kabahayan sa isang compound sa Novaliches, Quezon kahapon ng umaga. Ayon sa ulat ni Supt. Romeo Rillo, fire marshal sa lungsod, nagsimula ang sunog sa tahanan ng isang Terry Velasco sa Baluyot Compound, Barangay Sauyo, Novaliches. Bigla na lamang naglagablab ang ikalawang palapag ng tahanan ni Velasco hanggang sa kumalat ang apoy nito. (Ricky Tulipat)

Show comments