Mayoralty bet, tiklo sa droga

MANILA, Philippines - Inaresto ng tropa ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang 28-anyos na lalaki na kandidato umano sa pag­ka-alkalde sa Mandalu­yong matapos na masam­saman ng cocaine sa isi­na­­gawang buy-bust opera­tion kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Supt. Wilkins Villa­nueva, hepe ng Metro Manila Regional Office ng PDEA, ang suspek na si Ernest Domingo Buan, uma­no’y kandidato sa pagka-alkalde sa nasabing lungsod.

Ayon sa inisyal na ulat ng PDEA, nadakip si Buan sa isinagawang buy-bust opera­tion sa harap ng isang food­chain na mata­tag­puan sa Tien­desitas, Pasig City ganap na alas-3 ng madaling-araw.

Bago nito, matagal na umanong sinu-surveillance ng PDEA ang suspek, ma­tapos na makatanggap ng report na sangkot umano ito sa pagbe­benta ng dro­gang cocaine.

Nang makumpirma ang iligal na transaksyon ng sus­pek, agad na inihanda ang buy-bust operation kung saan isang PDEA agent ang nag­panggap na buyer.

Nagka­sundo ang dalawa na magpa­litan ng item sa nasabing lugar kung saan naganap ang pag-aresto.

Nasamsam sa suspek ang limang piraso ng plastic sachet na pinanini­wa­laang naglala­man ng cocaine.

Sinabi ni Villanueva, saka­ling maging positibo sa labo­ratory test ang nasamsam sa suspek po­sibleng maharap ito sa kasong paglabag sa Re­public Act 9165 section 5 article 2 ng dangerous drug law at walang piyansang inilaan para dito. Nakapiit ngayon sa tang­gapan ng PDEA si Buan habang isinasailalim sa ma­susing imbes­ti­gasyon.

Show comments