2 holdaper tiklo

MANILA, Philippines - Dalawang umano’y holdaper na sina Arnold Vapor, 18 anyos, at Alfredo Estranghero, 31 anyos, ang naaresto ng pulisya makaraang mabiktima nila ang 53 anyos na misis na si Myrna Casapao sa Honorio Lopez Boulevard, Navotas City kamakalawa ng tanghali. Gayunman, hindi na nabawi ang gintong singsing at P1,000 cash na natangay ng mga suspek sa biktima. (Lordeth Bonilla)

Show comments