Mister inutas ang 2 anak bago nagpatiwakal

MANILA, Philippines - Pinatay muna ng 36 anyos na mister na si Napoleon Mendieta ang dalawa niyang anak na lalaki bago siya nagpati­wakal sa pamamagi­tan ng pagbaril sa sarili ma­ka­raang matuklasan niyang merong ibang kinaloloko­hang lalaki ang kanyang asawa. 

Pinaputukan ni Men­dieta sa ulo sa pamama­gitan ng 9mm na baril ang mga anak niyang sina Francis Nick, 11; at Reyniel Pola, 15, bago siya nag­baril sa sarili niyang sen­tido sa loob ng kanilang bahay sa Block 2, Lot 24, Santan St., Maligaya Park, Brgy. Pa­ song Putik, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Walang trabaho si Men­dieta bagaman dati umano siyang call center agent. 

Ayon kay SPO4 Leo­nardo Ding Pasco, hepe ng investi­gating unit ng Que­zon City Police District, nag­padala pa ng huling text messages si Mendieta sa apat na kaibigan nito bago nito pinaslang ang mga anak at nagpatiwakal.

Nakasaad umano sa text message na “I’m sorry my Lord, I failed ur trials, I can’t bear my sons suffer the same pain, so I’m taking them with me to the other side.... pa­alam.”

Sinabi ni Pasco na selos ang ugat upang tapusin ni Napoleon ang buhay ng kan­yang mga anak lalo pa nang ipagtapat mismo ng asawang si Reagelyn, 37, sa kanya ang pagkakaroon nito ng ibang lover. Kasalu­kuyang call center agent din ang babae.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, nangyari ang insi­dente sa sala ng pamilya Mendieta pasado alas-3:20 ng madaling araw.

Nauna rito, alas-2:30 ka­­ma­kalawa ng hapon nang umuwi ng kanilang bahay si Reagelyn kung saan nag-usap sila ng biktima.

Pagkalipas ng alas-6 ng gabi, magkasama pang nag­ha­punan ang mag-asawa at pagkatapos ay nanood ng telebisyon. Ha­bang nanonood ng TV ay nagpasyang umi­nom ng alak si Napoleon habang ang asawa naman nito ay nagtungo na sa kuwarto para matulog.

Pasado alas-3 ng ma­da­­ling-araw, ginising ni Na­po­leon ang asawa para pag­buk­san ng pintuan ang mga ka­anak nitong darating.

Habang nasa labas ng ka­nilang bahay si Reage­lyn, dito na sinimulan ni Mendieta ang pagmasaker sa kanyang dalawang anak bago tinapos ang sarili niyang buhay.

Pagbalik ni Reagelyn kasama ang mga kaanak ay nagulat na lamang sila nang matuklasan ang tat­long bik­tima na pawang duguang nakahandusay sa sala at wala nang mga buhay.

Ipinalalagay ng pulisya na posibleng hindi ma­tang­gap ni Mendieta ang panlalalaki ng kanyang asawa at dahil ayaw din nitong iwan sa ibang taga­pangalaga ang mga anak ay pinatay na lang niya ang mga ito.

Lumilitaw pa sa imbesti­gasyon na ang pagkakaroon umano ng ibang lalaki ni misis ay ipinagtapat na nito sa kan­yang kaanak bago nala­man ng asawa nito sanhi upang naging malulungkutin ng huli hangang sa gawin ang na­sabing krimen.

Show comments