Binata na-sandwich ng trike at jeepney

MANILA, Philippines - Patay ang isang 17-anyos na binata matapos na maipit sa nagsalpukang tricycle at pam­pasaherong jeepney sa lunsod Quezon kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si Pedmars Ubang, ng Malam­bing St., Diliman sa lunsod.

Nasa kustodiya naman ng Traffic Sector 3 ng Quezon City Police ang driver ng pampasa­herong jeepney na si Rosti­niano Buquiran, 42.

Ayon sa ulat, nakabang­gaan ng jeepney ang tricycle na mina­maneho ni Benjie Garcia, 21, kung saan pasa­hero ang biktima.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Kalayaan Avenue corner V. Luna Road, pasado alas-12 ng madaling- araw. Diumano, galing sa Kamias ang jeepney (PXZ-211) ni Buquiran habang galing naman sa  Maparaan St., pa­tungong V. Luna Road ang tricycle (TX-5662) ni Garcia, kung saan pagsapit  ng mga ito sa nasabing lugar ay biglang sinalpok ng una ang huli.

Sa lakas ng pagkaka­bangga, nayupi ang unahang bahagi ng tricycle dahilan upang tamaan ang pasahe­rong si Ubang at magtamo ito ng labis na pinsala sa ka­tawan.

Agad na isinugod ang bik­tima sa East Avenue Medical Center ngunit idineklara din itong dead-on-arrival. (Ricky Tulipat)

Show comments