Freddie Aguilar sinisi ang kapatid

MANILA, Philippines -  Nagsalita na ang folk singer na si Freddie Aguilar at com­poser ng sikat na awiting “Anak” kaugnay sa kontro­ber­siyang kinasasangkutan ng kanyang pamangkin na si Jason Ivler.

Kaugnay nito, sinisi nito ang kapatid na si Marlene Aguilar Pollard sa lalong ka­pahamakan na sinapit ng kanyang pa­mangkin.

Ayon sa singer, matagal na niyang pinayuhan at sina­bihan  ang kapatid na si Mar­lene na isuko na   si Jason   sa mga pulis matapos na ma­sangkot sa shooting incident noong nakaraang taon.

Ayon kay Freddie, sinabi­han niya si Marlene na huwag kunsintihin ang anak at sa halip ay isuko na ito sa mga awto­ridad upang mas ma­iwasan ang anumang mga hindi inaasa­hang pangyayari.

Bagama’t hindi tuwirang ini­hayag ni Freddie kung may alam siya sa pagtatago ni Ivler sa kanilang bahay sa Blue Ridge sa Quezon City, sinabi nito na hindi naman siya nag­kulang sa paalala kay Marlene sa mga posibleng mangyari.

“Kaya lang, hindi niya (Mar­lene) ako sinunod. Nga­yon, ganyan ang nangyari,” anang folk singer.

Aminado si Freddie na hang­gang ngayon umano ay hindi pa rin siya makapani­wala sa nagawa ng pamang­kin na krimen. (Doris Franche) 

Show comments