Jewelries kinumpiska

MANILA, Philippines - Nakumpiska ng Presidential Anti-Smuggling Group ang daan-daan libong halaga ng imported fashion jewelry sa isinagawang inspeksyon nito sa isang jewelry shop sa Chinatown, Sta. Cruz, Maynila kamakailan. 

Ayon kay PASG Chief at Dangerous Drugs Board Chairman Secretary Antonio Villar Jr., ang nakumpiskahan ng nasabing mga alahas ay ang Asia Lucky Jewelry Shop sa Chinatown Gold Center sa Plaza Sta. Cruz.  

Walang maipakitang kaukulang sales invoice, delivery receipts, consignment agreements, trust receipts at iba pang dokumento ang Asia Lucky jewelry shop. (Rudy Andal)

Show comments