Kandidato dadamputin sa iligal na bodyguard

MANILA, Philippines - Nagbanta si National Capital Region Police Office Chief Director Roberto Rosales na aarestuhin nila ang mga kandidato sa lokal at pambansang halalan na mapapatunayang iligal na nagmimintina ng mga ar­ma­dong bodyguard.

Pinayuhan ni Rosales ang mga kandidato at ma­ging mga pribadong indi­bid­wal na nais umupa ng mga armadong bodyguard o security personnel na magtungo muna sa ka­nilang tanggapan at ku­muha ng permiso sa Joint Security Control Center.

Ito ay base sa nakasaad sa Commission on Elect­ions Resolution No. 8714 na nag­­sasaad na lahat ng pro­seso at aplikasyon para sa Temporary Security Detail ng mga kandidato o pri­ba­dong indibidwal ay kina­kaila­ngang idaan muna sa JSCC.

Hinimok din ng NCRPO chief ang publiko na iulat sa JSCC na itinayo sa bawat lungsod at munisipalidad sa Metro Manila o itawag sa numero 838-3353/3203 ang sinumang kandidato o pribadong indibiduwal na hinihinalang may iligal na mga security personnel. (Danilo Garcia)

Show comments