Kelot 'pinatay' sa droga?

MANILA, Philippines - Posibleng may kina­la­man sa ‘lakad’ na droga at holdap ang dahilan ng pag­patay sa isang 31- anyos na binata na mala­pitang binaril sa kanang bahagi ng leeg ng riding-in-tandem sa Sampaloc, Maynila kama­kalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Rocel Reyes, walang trabaho, residente ng 1056 Leyte Laki St., Sam­paloc sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Hindi pa matukoy ang pag­kikilanlan ng dalawang la­laking suspek na magka­angkas sa isang motorsiklo at tumakas bitbit ang 9mm na baril.

Pauwi sa kanyang bahay ang biktima nang harangin at barilin ng nag-aabang na suspek.

Aminado naman umano ang ina ng biktimang si Aling Remedios na may ilang taon nang lumilinya sa iligal na droga ang anak at pinasok na rin umano ang panghoholdap hanggang sa siya mismong ina ay pinagnakawan ng relo at isinanla. (Ludy Bermudo)

Show comments