Motorsiklo vs truck: OFW patay

MANILA, Philippines - Patay ang isang Overseas Filipino Worker habang kritikal ang pinsan nito nang masagi ang sinasakyan  nilang motor­siklo ng isang delivery truck sa Caloocan City, ka­hapon ng umaga.

Dead on-the-spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Joel Domingo, 37,  ng Fortune Village,  Valenzuela City.

Samantala, nagtamo rin ng pinsala sa katawan ang pin­san nitong si Noel Domingo.

Agad namang sumuko sa mga pulis ang driver ng van na si Bernard Adducul, ng Ilocos Norte.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng Caloocan City Police Traffic Enforcement Unit, na­ganap ang insidente dakong alas-2:30 ng umaga sa ka­habaan ng MacArthur High­way, Caloocan City.

Nabatid na binabagtas ng magpinsang biktima ang na­turang lugar habang magka­angkas   sa motorsiklo nang masagi ang mga ito ng isang  delivery van na minamaneho ng suspek.

Nakaladkad ang mga biktima na naging dahilan ng agarang kamatayan nito at ang pinsan nitong si Noel ay dali-daling isinugod sa na­banggit na pagamutan. (Lor­deth Bonilla) 

Show comments