Balasahan sa MPD pinatigil ng korte

MANILA, Philippines - Nakapuntos si Manila Mayor Alfredo Lim laban kay NCRPO Director Ro­berto Rosales at MPD chief Rodolfo Magtibay nang katigan kahapon ng korte ang kahilingan ng una na magpalabas ng temporary restraining order laban sa implemen­tasyon ng umano’y illegal na reshuffle.

Kahapon ay nag-isyu ng TRO si Manila Re­gional Trial Court Branch 8, Judge Felixberto Olalia, Jr. matapos ang dalawang magkasunod na araw na pagdinig na nag-aatas kina Rosales at Magtibay na status quo sa posisyon ng mga opisyal at tauhan ng MPD hangga’t hindi nag­pa­palabas ng kautusan ang korte.

Una nang naghain ng petition for certiorari, pro­hibition, injunction with prayer for preliminary in­junction and temporary re­straining order si Lim noong Lunes sa hiling na pigilan ang NCRPO at MPD chiefs na ipatupad ang umanoy iligal na ba­lasahan.

Ayon sa petisyon, ni­labag sa nasabing kautu­san ang Republic Act 6975 na inamyendahan ng RA 8551, dahil sa pagsasan­tabi ng mga respondents sa kapang­yarihan ng alkalde, bilang deputized representative ng National Police Com­mission (Na­pol­com), nang mag-isyu ng General Orders nos. 8 to 13 at Special orders no. 11 at 12 ang mga res­pondents nang walang konsul­tasyon.

Isang pag-abuso uma­no sa kapangyarihan ang ‘illegal orders’ ni Rosales na alinsunod sa Section 62 ng RA 8551, nasa ka­pangyarihan ng mayor ang mag-deploy at employ ng miyembro ng PNP sa kan­yang hurisdiksiyon.

Show comments