Pagawaan ng lusis idedemanda

MANILA, Philippines - Dahil sa tinamong 3rd  degree burn ng chief of staff ni Manila Vice Mayor Isko Moreno at ina nito sa nakaraang pagdiriwang sa pagsalubong sa Ba­gong Taon, nakatakda silang magreklamo laban sa pinagbilhan at manufacturer ng lusis na hindi umano nila inasahang sa­sabog.

Hanggang sa kasalu­kuyan ay nakaratay pa rin sa Manila Doctor’s Hos­ pital sa United Nations Ave­nue sa Ermita, May­­nila sina Joel Par, kasalu­kuyan ding director ng Liga ng mga Barangay sa Maynila, na nagtamo ng 3rd degree burns sa na­tuklap na balat ng tiyan at ina na si An­to­nina na na­su­gatan sa ka­tawan, dahil sa pagsa­bog ng ha­wak na malaking lusis na sinindihan sa kanilang rooftop.

Maswerte umanong hindi pa nag-aakyatan sa rooftop ang mga kapa­milya kabilang ang mga bata nang sindihan at kagyat na sumabog ang lusis kaya ang ina at si Par lamang na magka­tabi ang nasabugan.

Kinumpirma ni Mo­reno na ‘out of danger’ na si Par at nagpapa­galing na lamang.

Naniniwala din si Mo­ reno na dapat na mag­­sil­bing aral sa mga magu­lang at kabataan ang pa­nganib na dala ng isang sparkler o lusis. (Ludy Ber­mudo at Doris Franche)

Show comments