Seguridad sa Pista ng Nazareno, ikinasa

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang segu­ ridad at kaligtasan ng milyun-milyong deboto ng Nazareno na inaasahang da­dagsa sa kapistahan nito sa Sabado matapos na makipag­pulong kay Manila Police District Chief Supt. Rodolfo Mag­tibay.

Ayon kay Lim, inatasan na niya si Magtibay kasama si City Engineer Armand Andres na inspeksyunin ang ruta ng pag­dadaanan ng prusisyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto.

Ipinaliwanag ni Lim na hindi matatawaran ang taong sa­sama sa paglibot ng Poong Nazareno kung kaya’t dapat lamang na maging maayos at ligtas ang mga daan.

Bukod dito, binigyan ng di­rektiba ni Lim ang lahat ng mga medical personnel ng lung­sod na maging handa upang mag­bigay ng serbisyo lalo na sa mga hindi inaasa­hang hihima­tayin o aabutin ng kani­lang ka­ramdaman sa pagtupad sa kanilang panata tuwing pista ng Quiapo. (Doris Franche)

Show comments