Mister tinarakan ni misis, todas

MANILA, Philippines - Hindi naging maganda ang pagbubukas ng taon para sa isang mag-asawa makaraang mapatay ang isang 56-anyos na mister ng kaniyang misis, sa gitna ng kanilang pag-aaway dahil sa pagse­selos ng huli, sa Tondo, May­nila, kamaka­lawa ng gabi.

Dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang bik­timang si Antonio Salcedo, ng 1135 Estero De Magda­lena, Tondo sanhi ng tina­mong saksak sa dibdib.

Inaresto naman ng mga barangay tanod ang suspek na si Lily Maglente, 60.

Sa ulat ni Det. Joseph Kabigting ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa loob ng bahay ng dalawa.

Nabatid na nagseselos umano ang suspek dahil sa may iba pang babae ang ka­ niyang mister hanggang sa masaktan ang suspek nang itulak ng biktima at tumama ang katawan sa pintuan.

Nagdilim ang paningin ng suspek kaya kumuha ito ng kutsilyo at itinarak sa dibdib ng lalaki.

Depensa ng suspek, nagdilim lang ang paningin niya kaya niya nagawang sak­­­sakin ang mister.

Show comments