Bebot inatado ng kanyang ex

MANILA, Philippines - Hindi na umabot sa 2010 ang buhay ng isang 39-anyos na babae nang araruhin siya ng saksak ng dati niyang nobyo sa Paco, May­nila kamakalawa ng hapon.

Nagtamo ng multiple stab wounds ang bikti­mang si Gina Cadelliso, residente ng San Antonio, Paco.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang sus­pek na si Boy “Tita” Gaspay, 50, residente ng San Antonio.

Sa ulat ni PO2 Gerry Amores, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng tanghali habang nagla­lakad ang biktima at pamangking si Mylene, sa Merced St., Paco.

Ayon sa ulat, nang magkasalubong ang dating magkasintahan ay walang sabi-sabing inundayan ng magkakasunod na saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ng suspek ang biktima.

Posibleng hindi umano natanggap ng suspek ang pakikipagkalas ng dating nobya kaya nagawa ang krimen. (Ludy Bermudo)

Show comments