Police major utas sa riding-in-tandem

MANILA, Philippines - Walang nagawa ang isang opisyal ng Quezon City Police nang pa-traidor na pagbabarilin at mapatay ng riding-in- tandem habang nakiki­pag-usap sa dalawang waiter sa labas ng isang restaurant sa lungsod, ayon sa ulat kahapon.

Apat na tama ng bala sa ulo at katawan ang tu­mapos sa buhay ng bik­timang si Chief Inspector  Michael Coo, 38, nakata­laga sa Masambong Po­lice Station 2 ng QCPD at residente ng Mil­lionaires Village, Novali­ches, Quezon City.

Ayon sa ulat, pasado alas -11 ng gabi ng tirahin si Coo ng mga suspek sa may Tita Ritz Grill and Restaurant na matatag­puan sa kanto ng Com­mon­wealth Avenue at Labayani St.,  Brgy. North Fairview ng nasabing lungsod.

Lumilitaw na planado ang isinagawang krimen matapos na i-set up ito ng sinasabing ka deal nito na makikipagtagpo sana sa nasabing lugar kung saan nakaabang na ang mga suspect na lilikida rito.

Bago nito, sinasabing dumating umano ang biktima sa nasabing res­taurant na mag-isa sakay ng kanyang kulay itim na Honda Civic (XKU-631) at iniwan sa  loob ng sa­sakyan ang kanyang baril na kalibre .45 pistola.

Base sa salaysay ng mga saksing sina Ri­chard Malalay at Lester Soriano, mga waiter ng nasabing restaurant, kararating lang umano ng opisyal sa nasabing es­tablishment at nagtanong sa kanila kung  mayroon pang ibang sangay ng  Tita Ritz Grill and Res­taurant nang biglang du­mating ang isang motor­siklo sakay ang dala­wang hindi kilalang lalaki.

Mula sa likuran ng bik­tima ay biglang nagbunot ng baril ang mga suspek at pinagbabaril ito.

Matapos ang pama­ma­ril ay mabilis na nagsi­takas ang mga suspek   patungong Jordan Plane kasabay ang isang To­yota Innova na kulay pula na pinaniniwalaang ka­sabwat ng mga suspek.

Sa pagsisiyasat, na­rekober sa lugar ng pi­nangyarihan ang anim na empty shell  at isang slug ng  kalibre 45 baril na pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay  sa nasa­bing opisyal.

Nakuha ng  SOCO ang nasabing baril  ng bik­tima sa ilalim  ng upuan ng driver’s seat, gayundin ang wallet  at cell­phone nito na nasa kanyang katawan.

Tinitingnan din ng mga awtoridad ang ang­gulong love triangle na ayaw namang ibigay ng mga awtoridad ang buong detalye nito.

Patuloy ang imbesti­gas­yon ng CIDU ka­ugnay sa insidente.

Show comments