2 puganteng Kano tiklo sa Pilipinas

MANILA, Philippines -Natiklo sa Pilipinas ang dala­wang puganteng Kano na wanted ng US Federal autho­ri­ties, ayon sa Bureau of Im­migration (BI). Kinilala ni Floro Balato Jr., BI-Interpol Unit chief, ang mga naarestong Kano na sina Jeffry Tye Brown, 49; at Paul Daniel Hogg, 67.

Ayon kay Balato, naaresto ng BI-Interpol units sina Brown at Hogg sa Dumaguete City noong December 16 at Caga­yan de Oro City noong Decem­ber 17, ayon sa pagka­kasunod.

Dinampot ang dalawa sa bisa ng mission orders na inilabas ni BI chief Marcelino Libanan bunsod ng kahilingan ng US embassy sa Maynila.

Agad ipatatapon ang mga Kano dahil sa pagiging undo­cu­mented at undersirable aliens. Idinagdag pa ng BI na ang mga pasaporte ng mga Kano ay matagal nang pinawalang-bisa ng US State Department.

Ayon sa BI, si Brown ay wanted sa US sa ilang felony violations habang si Hogg ay may arrest warrant mula sa kasong isinampa sa kanya sa isang US district court sa south­eastern Missouri.

Pansamantalang nakapiit ang dalawang pugante sa BI detention center sa Bicutan, Taguig habang hinihintay ang paglabas ng summary depor­ta­tion order laban sa kanila mula sa board of commis­sioners ng ahensiya. (Butch Quejada)

Show comments