P764-M cocaine at shabu sinunog ng PDEA

MANILA, Philippines - Sinunog sa head­ quarter  ng Philippine Drug En­forcement Agency (PDEA) ang may  85.87 kilo ng shabu na nag­kaka­halaga  ng P500 milyon at 66 kilograms ng high  grade cocaine bricks na nagkakahalaga ng P264 milyon  na pinangu­na­han nina Pangulong Gloria Ma­capagal Arroyo at Dir. General Dionisio San­tiago ng PDEA.

Ayon kay Santiago, ang nasabing kilu-kilong shabu at high grade co­caine bricks na umaabot  sa P764 mil­yon o mahigit ka­lahating bil­yong piso ay pawang na­tagpuan  ng mga operatiba ng PDEA  sa tabing-dagat ng Brgy. Mat­awe, Dinga­lan, Aurora Province  at Brgy. 7 Maydo­long, East­ern Samar  ayon sa pagka­kasunod.

Dakong ala-1:45 ng hapon nang silaban ang mga nasamsam na ilegal na droga sa General head­quarters ng ahensiya sa NIA Road, Brgy. Piñahan, Quezon City.

Magugunitang na­rekober ng mga ahente ng PDEA ang nasabing shabu sa isinagawang interdiction operations sa Barangay Matawe, Dingalan, Aurora dakong alas-11:45 ng gabi ng Disyembre 21, 2009.

Kasunod naman nito, natagpuan sa tabing-dagat ng mga mangingisda ang may 66 kilos  ng high grade cocaine bricks na naka­la­gay sa 18 piraso ng ka­hon sa tabing-dagat sa Brgy. Minaanod Llorente, East­ern Samar. (Angie dela Cruz)

Show comments