26 bricks ng cocaine nasamsam ng PDEA

MANILA, Philippines - Aabot sa 26 bricks ng cocaine na nalambat ng mga mangingisda sa ka­ragatan ng Eastern Samar ang narekober na ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon.

Ayon kay PDEA di­rector General/Senior Under­sec­retary Dionisio R. San­tiago, ang 20 sa nasabing droga ay na­rekober ng PDEA regional Office 8 mula sa mga mangingisda sa Brgy. Minaanod, Llo­rente, East­ern Samar ma­karaang maispatan nila itong pa­ lutang-lutang sa kara­gatan dito.

Bukod dito ang anim na bloke pa ng cocaine na na­sabat naman ng iba pang mangingisda sa na­ sabing lugar at naisuko na sa tang­­gapan ng Muni­cipal Police Station.

Sinabi ni Santiago, ang tropa ng PDEA-RO8 ay gumamit pa ng heli­copter ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bago makuha ang na­sabing mga droga.

Ayon sa ulat, naglala­yag sa nasabing karaga­tan ang mga mangingisda nang maispatan nila ang bloke-blokeng bagay na naka-plastic habang pa­lutang-lutang sa dagat sa nasabing lalawigan nitong Martes ng umaga. Agad na iniahon ng mga ma­ngingisda ang mga plastic at ipinagbigay alam sa mga awtoridad kung saan nabatid na ang mga ito ay cocaine.

Sinasabing galing ang nasabing droga sa South Amerika na ibibiyahe sana patungong Hong Kong nang ihagis ng sindikato sa karagatan matapos na matiktikan ang mga ito ng awtoridad sa Hong Kong.

Sa ngayon, patuloy na ginagalugad ng mga oto­ri­dad ang naturang kara­gatan para sa posibleng mga natitira pang mga droga dito.

Ang nasabing droga ay nasa pangangalaga nga­yon ng nasabing ahen­sya para sa kauku­lang dispo­sisyon. (Ricky Tulipat)

Show comments