2 kelot nagbigti

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki kabi­lang ang isang 17-anyos na pipi ang nagpaka­matay sa pamamagitan ng pag­bigti sa kanilang mga sarili sa magkahi­walay na lugar sa lung­sod Quezon kaha­pon ng umaga.

Ayon sa report, unang nadiskubre ang bangkay ng biktimang si Roger Oran­za, 23, ganap na alas-6:30 ng umaga ha­bang naka­bitin sa may roof top ng limang pa­lapag ng LJA Printing building na mata­tagpuan sa Manutoc Vil­lage, Brgy. Baesa kung saan ito nag­tatrabaho bilang helper.

Ginamit ni Oranza ang limang metrong haba ng nylon cord sa pagbigti kung saan ipinulupot niya ito sa kanyang leeg saka itinali sa steel bars ng rooftop saka tumalon mula sa gusali na siyang ikina­bigti nito. Hindi naman ma­batid ng kasa­mahan ang sanhi ng pag­papakamatay ng biktima.

Ayon sa kaanak ni Oranza na si Rose Vic Pua, kalalaya pa lamang sa Manila City Jail ni Oranza sa kasong theft kung saan siya nakulong ng tatlong buwan.

Samantala, ganap na alas-9:30 ng umaga, na­tag­puan naman ang bang­kay ng biktimang si Robin Macasilaig, 17, isang pipi, sa loob ng R. Lumanog guitar shop na matatag­puan sa #1281 Araneta Avenue corner Calamba  St., Brgy. Sto. Domingo. Si Macasalaig ay stay-in sa nasabing shop.

Hindi rin batid ng mga kasamahan nito sa traba­ho kung ano ang dahilan sa pagpapakamatay nito. Patuloy ang imbestigas­yon ng CIDU upang ma­tukoy kung may foul play sa nasabing insidente. (Ricky Tulipat)

Show comments