MANILA, Philippines - Masaklap ang naging kamatayan ng isang lalaki makaraang kursunadahin ng kanyang mga kalugar na nakipag-inuman pa sa kanila kamakalawa sa Quezon City.
Hindi na umabot ng buhay sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Mar Santos, 39, mekaniko. Tinutugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Domingo Bernardo at Walter Cuyugat residente rin sa lugar.
Base sa ulat ni P/Chief Insp. Benjamin Elenzano Jr., hepe ng Quezon City Police Homicide, ang insidente sa isang covered court.
Nakikipag-inuman ang biktima kasama ang kanyang kaibigan na sina Mark at Arthur nang dumating si Bernardo at iniyabang nito ang dalang baril na kalibre 38 bago umalis makaraan ang ilang minuto.
Maya-maya lamang bumalik si Bernardo at kasama na si Walter at sa hindi malamang dahilan inupakan ng dalawang beses ang biktima. (Angie dela Cruz)