MANILA, Philippines - Ang mga kababaihan ng Payatas at Batasan hills ang pinakahuling na benepisyaryo ng Husay Pinay Inc. na patuloy ang asenso ng kabuhayan at kaalaman sa negosyo.
Ang Husay Pinay Inc ay isa lamang sa foundation ni Liberal Party Mayoral candidate Joy Belmonte na nagbibigay ng kalinga at serbisyo sa mga kababaihan sa lunsod at kaalaman kung paano kumita na pandagdag sa gastusin ng kani-kanilang pamilya.
May mahigit isanlibong benepisyaryo ang Husay Pinay Inc kung saan ang mga ito ay binibigyan ng training at seminars hinggil sa kung paano kumita tulad ng paggawa ng mga bags at basket na mula sa mga recycled tarpaulins at iba pa.
Ang kasalukuyang mga programa sa paggawa ng mga mahahalagang gamit ng Husay Pinay Inc ay bilang pagsuporta naman sa Clean Air Act ng pamahalaan dahil sa paggamit ng mga recycled materials na patuloy na napapakinabangan at hindi na nakaka- apekto pa sa kapaligiran.
Ang Husay Pinay Inc. ay iba pa sa QC Ladies Foundation Inc, Ilaw ng Bayan Foundation Inc na pinamumunuan ni Joy Belmonte na kumakalinga sa mga kapuspalad na patuloy niyang tinutulungan at seneserbisyuhan ng walang anumang kapalit. (Angie dela Cruz)