Dalaga patay sa sunog

MANILA, Philippines - Hindi na nailigtas ng kanyang mga kaanak sa kamatayan ang isang 20-anyos na dalaga na sina­sabing may kapan­sanan sa pag-iisip ma­tapos na makulong sa nagliliyab nilang bahay, kahapon ng tanghali sa Las Piñas City.

Nakilala ang nasawi na si Criselda Amores, naninirahan sa natu­pok na bahay sa may Block 1 Lot 5 Gloria Compound, Pilar Village, ng naturang lugar.

Sa ulat ng Las Piñas Fire Department, sumik­lab ang apoy sa bahay ng magka-live-in na sina Neal John Torres at Jenne­lyn Regalado da­kong alas-11:37 ng gabi at mabilis na ku­malat sa mga karatig bahay ka­bilang na ang bahay ng pamilya Amores.

Nabatid na natutu­log sa ikalawang pala­pag ng kanilang bahay ang bik­tima nang maiwanan ng kanyang mga kaanak na mabilis na nakalabas ng ka­nilang bahay. 

Uma­bot sa ikala­wang alarma ang su­nog kung saan may 15 bahay ang na­tupok. (Danilo Garcia) 

Show comments