Parak tinodas ng parak

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang pulis nang pagbabarilin ng kapwa rin parak ma­karaang rumesponde ang biktima sa pagwa­wala ng suspek kahapon ng madaling-araw sa McArthur Highway, Ca­loocan City.

Agad na nasawi ma­karaang magtamo ng iba’t ibang tama ng bala sa katawan ang bikti­mang si PO2 Rex Azu­sano, 31-anyos, nakata­laga sa Caloocan City Police Station. Isinugod naman sa MCU Hospital ang isang guwardiyang si John Schmidt, 43-anyos, ma­karaang ta­maan rin ng bala sa likod.

Pinaghahanap ng pulisya habang isinusu­lat ito ang tumakas na mga suspek na sina PO1 Es­tephen Hernan­dez ng Quezon City Police Dis­trict at isang hindi pa nakikilalang kasamahan nito.

Nabatid na minama­neho ni Azusano ang kanyang motorsiklo nang madaanan niya ang mga suspek na nagwawala sa kalsada.

Huminto si Azusano upang awatin at kastigu­hin ang mga nagwawala pero hindi pa siya ganap na nakakalapit nang mag­bunot ng b aril ang mga suspek bago siya pinaputukan.

Tutulong sana ang security guard na si Schmidt ngunit binaril siya ng mga salarin.

Show comments