3 kelot hinalihaw ng saksak

MANILA, Philippines - Walang nagawa ang tatlong lalaki sa nag-iisang suspek na nanghalihaw ng saksak sa kanila sa ibang madilim na bahagi ng isang kalsada sanhi ng pagkamatay ng isa sa kanila kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Hindi na umabot ng buhay sa Pagamutan Lungsod ng Malabon si Romir Caluso ng C. Perez Street, Brgy. Tonsuya habang kritikal naman ang kalagayan sa loob ng Jose Reyes Memorial Medical Center sina Louie Nabor at Edgar Agbulan.

Naaresto naman sa follow-up operation ng Malabon police ang suspek na si Christian Lim, 30-anyos, ng Paradise Village, Barangay Tonsuya.

Naglalakad ang tatlong magkakaibigan sa D. Aquino Street sa Tonsuya nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng patalim at inundayan sila ng saksak. (Danilo Garcia)

Show comments