NBI doble alerto

MANILA, Philippines - Maaari pang ma-accommodate ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lima pang high-profile personalities, bukod kina Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. at tatlong testigo sa naganap na Maguin­danao massacre.Kasabay nito kontodo bantay na rin ang buong headquarters na pinagpipiitan sa sinasabing utak sa masaker.

Ito’y matapos ideklara na kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Martial Law o Proclamation No. 1959 sa Maguindanao, pagsuspinde sa writ of habeas corpus doon at pagtake-over ng militar sa lugar, partikular sa mga tangga­pan ng lokal na gobyerno ng mga Am­patuan kabilang ang tanggapan ni Maguin­danao Governor Andal Ampatuan Sr. at ARMM Gov. Zaldy Ampatuan.

Sinabi ni Regional Director Ricardo Diaz, hepe ng NBI-Counter Terrorism Unit (CTU), nananatili ang NBI sa heightened alert.

Ayon kay Diaz, hanggang lima na lamang ang kaya nilang ikostudi subalit maaari namang sa detention facilities na ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philip­pines (AFP) dalhin ang mga ito na mas malaki, kum­para sa NBI na may isa lamang jail.

Hindi naman naniniwala ang NBI na magkakaroon ng mga pagkilos ng mga Muslim sa Metro Manila dahil sa deklaras­yon ng Martial Law at posibleng pag-atake sa gobyerno.

Kamakalawa, kinumpirma na sinupor­tahan ng NBI-forensic team ang mga idine­talyeng pagmasaker sa mga biktima sa Maguindanao.

Kinumpirma rin ng NBI ang namataang may 300 Muslim na nagmula sa Mindanao na halos sabay-sabay na nag-check-in sa mga hotel sa Maynila, malapit sa NBI headquarters, ilang oras matapos ang pagkaka-kustodiya ng NBI kay Andal Ampatuan Jr. (Ludy Bermudo)

Show comments