Binata nagbigti

MANILA, Philippines - Gamit ang pinulupot na kumot, hinihinalang nagpatiwakal ang isang 21-anyos na lalaki makaraang matagpuan itong nakabigti sa loob ng kanyang kuwarto, kamakalawa ng hapon sa Pasig City. Nakilala ang nasawi na si Erickson Asfrer, ng   Callejon II, Purok 4, Brgy. Sta. Cruz, ng naturang lungsod.

Sa ulat ni SPO4 Rodolfo Salamanca, ng Mandaluyong police, dakong alas-5 kamakalawa ng hapon nang madiskubre ang pagbibigti ng biktima sa loob ng bahay nito ng kanyang pinsan na si Vivencio San Juan.

Ayon sa mga kaanak nito, bago ang pagpapatiwakal ay nakitang malungkot ang biktima at sinabing may malaki siyang problema ngunit hindi naman niya naikuwento ito. Naniniwala naman ang pulisya na walang foul play sa insidente dahil sa nasa maayos na kondisyon ang kuwarto nito tanda na walang pambubuno na nangyari. (Danilo Garcia)

Show comments