2 tinodas sa tapsilogan

MANILA, Philippines - Patay ang dalawa sa tat­long magkakaibigan nang atakehin sa isang tapsilogan ng kanilang nakaalitan sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot ang bik­timang si Jayson dela Cruz, 20, binata, party enter­tainer (clown), samantalang sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) na binawian ng buhay ang kaibigan niyang si Benjamin Flores, 23, dahil sa tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Tinutugis naman ang tumakas na riding-in-tandem at isa dito ay kinilala lamang sa alyas na “Jaypee”.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng madaling-araw nang maganap ang pama­maril sa harapan ng “Cora’s Tapsilo­gan sa Francis St., Tondo.

Matapos kumain sa na­sabing tapsilogan ang mga bik­tima kasama pa ang ka­ibigang si Robin Christo­pher Dineros ay nagpapahi­nga muna ang mga ito sa   upuan sa labas. Dito na sila niratrat ng mga suspect.  

Mabilis namang nakaiwas at nakatakbo papalayo si Dineros, habang naasinta ang dalawang biktima.

Nabatid sa imbestigasyon na dati nang kaalitan ng grupo ng biktima si Jaypee at tini­yempuhan lamang ang ka­nilang pagpunta sa tapsilogan upang resbakan. (Ludy Bermudo)

Show comments