Dis. 4 holiday sa Pasay

MANILA, Philippines - Walang pasok sa lahat ng pampubliko at priba­dong tanggapan sa Pasay City sa Disyembre 4 dahil sa pag­diriwang ng ika-146 founding anniversary ng lunsod. Idineklara ni Mayor Wenceslao Trinidad na non-working holiday ang darating na Biyernes upang ipag­diwang ang araw ng pagkakatatag ng lunsod ng Pasay. Isang mega job fair ang isasagawa sa Pasay City Hall kung saan 2,250 trabaho ang maaaring ma­kuha ng mga residente ng lunsod na walang hanapbuhay.

Show comments