3 suspek sa soy beans nalambat ng pulisya

MANILA, Philippines - Tatlo katao na sang­kot sa pagtangay ng saku-sakong soy beans ang nalambat ng mga tauhan ng Manila Police District-Theft and Rob­bery Sec­tion sa isinaga­wang fol­low-up operation sa Apa­lit, Pampanga kama­kailan.

Ipinagharap ng ka­song qualified theft ang mga nadakip na sina Gerald Taruc, 31, truck driver; Renato Mallari, 51; at Jerry Villanueva, 31, na pawang residente ng Pampanga. Tinutugis pa ang da­lawang pahinante ng de­livery truck na sina Jo­seph Aragones at isang alyas “Do” na sina­sabing nagtago kaugnay sa pag­tangay ng delivery.

Nabatid na dumulog ang negoyanteng si Eliza­beth Tan, may-ari ng   Simon Enterprises Incor­porated sa MPD-TRS, nang hindi na umano lumutang pa ang driver at dalawang pahinante na inutusan niyang mag­deliber ng soy beans noong Nobyembre 18, 2009 na kinuha sa loob ng warehouse ng kan­yang kumpanya sa 3420 Lubiran Street, Bacood Sta. Mesa, Maynila.

Nabatid na dala ng nasabing delivery truck ang 441 sako ng soy beans na nagkakahalaga ng P5-milyon. (Ludy Bermudo)

Show comments