Parak nilooban

MANILA, Philippines - Kahit alagad ng batas ay hindi ligtas sa kamay ng kilabot na “Akyat Bahay gang” matapos na limasin ng mga ito ang gamit ng isang miyembro ng Que­zon City Police District sa lungsod, ayon sa pulisya kahapon.

Ito ang nabatid maka­ra­ang personal na dumu­log sa tanggapan ng Cri­minal Investigation and Detective Unit ng QCPD ang biktimang si PO3 Aldrin Matienzo, 38, may-asawa, nakatalaga sa Dis­trict Investigation Division, police clearance Section ng nasabing kapulisan, upang magpa-blotter.

Natuklasan na lamang ng biktima na nawawala na ang kanyang service fire­arm, hindi mabatid na halaga ng pera at alahas pagbalik nila ng kanyang pamilya buhat sa pag­samba sa isang simbahan ganap na alas-12 ng tanghali. (Ricky Tulipat)

Show comments