Mosque pinagigiba, Mayor Lim sumaklolo

MANILA, Philippines - Nagpapasaklolo ka­hapon kay Manila Mayor Al­fredo Lim ang ilang Muslim na pawang mga miyembro ng Rawatun Muslem Cultural Center Incorporation, matapos umano nilang matang­gap ang isang “notice” na pina­pa­giba ang nakata­yong mosque sa Palanca St., Quiapo, Maynila.

Sa ginanap, na Peo­ple’s Day, hiningi ng mga ito sa pangunguna ni Mo­hammad Faiz Maca­bato sa alklade na mamagitan upang kumbinsihin ang nakabiling korporasyon na pa­upahan o ibenta na lamang sa kanila ang lupang kinatitirikan ng kanilang mosque.

Lumilitaw na ang na­banggit na lupain ay dating pag-aari ng Land Bank of the Philippines at inialok sa kanya na kanya namang ini­­alok sa Saudi Arabia em­bassy. Subalit sa pagma­ma­dali ng LBP, naibenta ang lupa sa isang korpo­rasyon.

Sa ginawa namang be­ripikasyon ni Lim, ang na­sabing lupain ay pag-aari na ng Capital Ser­vices Ad­visers of the Philippines na may tang­gapan sa Makati City.

Ayon kay Lim, pipili­tin niyang magawan ng pa­raan ang hinaing ng mga Muslim upang hindi ma­apektuhan ang ka­nilang mosque na napa­ka­halaga sa kanilang sa­mahan. (Doris Franche)

Show comments