Mister tinodas sa inuman

MANILA, Philippines - Butas ang mukha at batok ng isang mister na ikinasawi nito habang su­gatan naman ang isang ka­inuman nito na tinamaan naman ng bala galing sa una matapos na barilin ng mala­pitan ng isa sa dalawang kala­lakihan sa lungsod ng Quezon kamakalawa.

Si Ronald Banto, 42, at residente ng Matipuno St., Brgy. Pinyahan sa lungsod ay idineklarang patay nang isugod sa East Ave­nue Medical Center.

Sugatan din si Paul John Simon, 25, walang trabaho na tinamaan ng bala sa kaliwang mukha. Ayon sa pulisya, nangyari ang insi­dente sa mismong bahay ni Banto pasado alas-8 ng gabi.

Nag-iinuman umano ang nasawi kasama sina Simon, Reynaldo Banto, Jerame Cabatit, at Randy Amante, nang biglang su­mulpot ang isa sa mga suspek na may ta­ngang baril saka pinapu­tok sa biktima nang mala­pitan.

Mula sa batok, naglagos ang bala sa mukha ng bik­tima, hanggang sa tumama ang bala sa kaliwang mukha naman ni Simon na katabi nito sa inuman.

Matapos ang pamamaril, agad na tu­makbo papalayo ang suspek at sumakay sa naghihintay na motorsiklo at mabilis na sumibat papalayo.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang po­sibleng mo­tibo sa isinagawang pagpas­lang sa biktima. (Ricky Tulipat)

Show comments