MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang malubhang nasugatan makaraang pasabugan sila ng granada ng mga hindi pa nakikilalang suspek habang nag-iinuman sila sa loob ng isang bahay sa Merville, Pasay City kamakalawa ng gabi.
Isinasailalim sa operasyon ang mga sugatang biktimang sina Ariel Villaruel, 32, walang trabaho at naninirahan sa Daop Palad Access Road, Merville; at Antonio de Jesus, alyas Jun, ng Block 13 Lot 3 Kalayaan Village, Pasay City.
Blangko naman ang mga awtoridad sa pagka kakilanlan sa suspek o mga suspek dahil sa kawalan ng saksi. (Danilo Garcia)