Lalaki nalitson sa sunog

MANILA, Philippines - Minalas na nasawi ang isang 41-anyos na lalaki makaraang makulong ito sa loob ng kanyang nasu­sunog na bahay nang hindi agad magising, kahapon ng madaling-araw sa Para­ñaque City.

Nakilala ang nasawi na si Erwin Lebron, binata, at residente ng Cattleya St., Camdia Homes, ng natu­rang lungsod. Sugatan naman sa naturang sunog ang 49-anyos na si Jesu­sito Lebron nang masunog ang likod nito.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Pasay, su­miklab ang apoy dakong alas-12:28 ng madaling- araw sa bandang sala ng bahay na pag-aari ni Unda Lebron, 60. Mabilis na ku­malat ang apoy kung saan mabilis na nakalabas ng bahay ang pamilya Lebron maliban lamang kay Erwin.

Mabilis namang na­apula ng mga rumespon­deng bumbero ang apoy dakong alas-12:55 ng madaling-araw kung saan umabot lamang sa unang alarma ang sunog.

Sa inisyal na ulat, po­sible umanong nagmula ang apoy sa nag-overheat na bentilador sa sala ng bahay na naiwanang naka­bukas. Umaabot naman sa P600,000 ang kabuuang halagang natupok ng apoy. (Danilo Garcia)

Show comments