Pekeng Louis Vuitton nasamsam ng NBI

MANILA, Philippines - Nasamsam ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang may P356 milyong halaga ng mga pekeng   Louis Vuitton   sa loob ng dalawang mall sa Binondo, Maynila.

Nasamsam ang mga pekeng Louis Vuitton products sa isinagawang pagsalakay sa Meisic mall at New Divisoria mall sa Binondo, Maynila ng NBI- Intellectual Property Rights Division (IPRD).

Bunsod ito ng reklamong inihain ng kinatawan ng Louis Vuitton Malletier S.A., na si Anthony Francis L. Manankil ng Global Time Holdings Limited.

Ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrants si Judge Antonio M. Eugenio Jr., ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 24. (Ludy Bermudo)

Show comments