Kelot pumatay dahil sa P550

MANILA, Philippines - Dahil lamang sa na­wa­walang P550 cash, nagawang pumatay ng isang 19-anyos na binata kahapon ng madaling- araw sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Ace Vergel Victorio, 24, walang hanapbuhay at residente ng   Fullon St., Tondo, Maynila bu­nga ng tinamong saksak sa dibdib.

Sugatan din sa nasa­bing insidente si Beejay Tibay, 23, kaibigan ng na­sawi, at residente ng Pru­dencio St., Tondo bu­nga ng tinamong sugat dahil sa pag-awat at pagsalag sa mga saksak sa ka­ibigan. Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na si Chris­topher Vargas, alyas “Tupeng”, ng nasabi ring lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:30 ng ma­daling-araw nang maga­nap ang insidente sa panulukan ng Prudencio at Gabriela Sts. sa Tondo.

Una rito, pinagbinta­ngan umano ng suspek si Victorio na kumuha ng kaniyang nawawalang pera kaya nagkainitan ang dalawa hanggang sa umalis ang suspek at sa pagbabalik nito ay ar­mado na ng patalim at mabilis na inundayan si Victorio.

Hindi man naagapan ni Tibay, sa muling pag-unday ni Vargas kay Vic­torio ay inawat at sinalag niya ito kaya siya ang pi­nagbalingan na kanyang ikinasugat. Sinamantala naman ni Victorio na tu­makbo kahit may tama na ng mga saksak.

Gayunman, hindi ito nakalayo at habol umano ang hininga na bumu­lagta sa kalye kaya isinu­god sa pagamutan pero na­matay din. (Ludy Bermudo)

Show comments