MANILA, Philippines - Isang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuan kahapon sa Quezon City.
Ang hindi pa nakikilalang biktima ay tinatayang nasa edad 35-40, may taas na 5’5’’, kayumanggi at nakasuot ng itim na corduroy, may tattoo sa kanang balikat na dragon at may tattoo rin sa kaliwang dibdib na hugis puso.
Nabatid sa report, nadiskubre ang bangkay ng biktima ganap na alas-6:45 ng umaga sa Mindanao Avenue Ext., Brgy. Sta. Monica Novaliches ng nabanggit na lungsod.
Sinasabing nakatali ng packaging tape ang ulo at mukha ng biktima pati na rin ang mga paa nito at may dalawang tama ng bala ng baril sa kanyang ulo.
Teorya ng pulisya sa ibang lugar ginawa ang pamamaslang at itinapon na lamang ito sa naturang lugar para lituhin ang imbestigasyon.
Ang kasong ito ay patuloy na binubusisi ng mga awtoridad. (Angie dela Cruz)