MANILA, Philippines - Nagwakas ang pamamayagpag ng dalawang kilabot na miyembro ng Salisi Gang matapos na maaresto ng mga awtoridad ilang minuto makaraang biktimahin ang isang negosyante sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang mga suspek na sina John Dean Apesia, 19, may-asawa; at Lodivito Tilo, 19, binata; pawang mga residente sa Libis Bagong Silang Caloocan City.
Ayon kay SPO2 Edwin Ditan, desk officer ng Police Station 10, nag-ugat ang pagkakadakip sa mga suspek nang tirahin ng mga ito ang LG cellphone ni Mark Lacsamana sa may loob ng Pipeys Grill sa #265 J. Morato St., Barangay Laging Handa sa lungsod. (Ricky Tulipat)