Security inspector todas sa kasamahan

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang security inspector maka­raang mabaril ng kanyang kasamahan sa trabaho, kamakalawa ng hapon sa Las Piñas City.

Nakilala ang nasawi na si Dennis Papa, 36, ng Blessed Ville, Silang, Cavite.

Pinaghahanap naman ngayon ng mga pulis ang tumakas na suspect na si Joel Alam, secu­rity inspector rin ng Jericho Security Service, dala ang kalibre .38 gamit nito.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-3 ng hapon sa loob ng kanilang opisina sa #1 Agbayani Street, BF Resort Village, Talon Dos, ng naturang lungsod. Nagulat na lamang ang mga empleyado nang biglang pumutok ang baril at duguang bumulagta si Papa.          

Ayon sa mga kasamahan ng dalawa, ma­dalas umanong magbiruan ang dalawa gamit ang kanilang mga baril. Inaalam ngayon kung posileng nagkapikunan ang dalawa sanhi ng naturang pamamaril o aksidente ang na­ganap. (Danilo Garcia)

Show comments