Kelot namudmod muna ng mansanas bago nag-suicide

MANILA, Philippines - Marahil upang maba­wa­san ang bigat ng kon­sensya, gumawa muna ng kabutihan sa pama­magi­tan ng pamimigay ng man­sanas ang isang 43-anyos na lalaki bago ito tumalon sa ilog at magpakamatay, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Ilang oras makaraan ang pagtalon, natagpuan ang lumutang na bang­kay ng biktima na nakilala sa ID na nakuha rito na si Ricardo Malda, taxi driver at naninirahan sa   Ba­gong Landas St., Brgy. San Agus­tin, Quezon City.

Sa ulat ng Pasay City police, dakong alas-8 ng umaga nang makuha ang bangkay ng biktima sa ilog sa may Brgy. Ma­libay. Wala namang na­kuhang suicide note sa katawan nito kaya nana­natiling pa­la­isipan ang dahilan ng kanyang pag­pa­patiwakal.

Nabatid sa mga saksi na una nilang nakitang namili ng mansanas ang nasawing biktima at saka isa-isang ipinamigay sa mga dumaraang tao.

Makalipas ang may 30-minuto, namataan na ito na tumayo sa tulay ng ilog na nag-uugnay sa Tripa de Galina at E. Rodriguez saka lumun­dag. Agad na­mang tina­ngay ng malakas na agos ang biktima. (Danilo Garcia)

Show comments