Preso pumuga, todas sa parak

MANILA, Philippines - Todas ang isang papatakas na preso matapos na barilin ng isang jailer kahapon ng mada­ling-araw sa Maynila.

Dead-on-the-spot ang pre­song si Arnel de Luna, may-asawa, walang permanenteng trabaho matapos mabaril ni PO3 Raymundo Banares, 36, ng MPD-station 3 detention cell.

Sugatan naman ang isang bystander na si Salvador Valen­cia na ginamit na hostage upang ipanangga ng suspect sa humahabol sa kanyang pulis.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa ha­rapan ng MPD-Station 3 sa Que­zon Blvd., Sta. Cruz, Maynila.

Sa rekord, si De Luna ay ina­resto kamakalawa ng tang­hali matapos ireklamo ng pang-aagaw ng baril ng isang security guard sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC).

Kahapon ng madaling-araw ay sinira umano ni De Luna sa pamamagitan ng pagtadyak ang kahoy na bahagi ng deten­tion cell at tumakas na dumaan pa sa mismong harapan ni Banares na noon ay naka-duty.

Nang habulin si De Luna ay nagtangka pa itong mang-agaw ng baril ni Banares kaya siya pina­putukan.

Bagama’t may tama, tu­makas pa rin palabas ang sus­pek at nang nadaanan nito si Valencia ay tinangka nitong i-hostage kaya muling pinaputu­kan ito ni Banares na aksidente namang tumama sa kanang hita si Valencia habang ang sus­pek ay tuluyang bumagsak sa semento. (Ludy Bermudo)

Show comments