Manyakis na holdaper nasakote

MANILA, Philippines - Isang hinihinalang holda­per ang nadakip makaraang makita siya ng isa sa mga biktima niya na isang dalaga na pinagtangkaan din niyang gahasain sa Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Raf Jun Francisco, 23, bi­nata, ng Phase 4-B, Package 9, Block 69, Bagong Silang, Caloocan City.

Personal na itinuro siya ng biktimang si Jecelyn Domingo, 21, estudyante, ng Sitio Mabilog, Barangay Culiat, Quezon City.

Sinabi ni Domingo na si Francisco ang nangholdap at nagtangkang gumahasa sa kanya noong Linggo ng madaling araw.

Ayon sa biktima, nang­yari ang insidente nang lapi­tan siya ng suspek habang naghihintay siya ng sasak­yan at holdapin.

Nang makuha ang kan­yang N79 cellphone at wallet na may lamang P6,000 ay hindi pa nakuntento ang suspek at pilit na pinahuhu­bad sa biktima ang short nito.

Sa takot na magahasa ay nagsisigaw na ang biktima dahilan upang maalarma ang suspek at magtatakbo ito papatakas.

Kamakalawa ng hapon, naglalakad si Domingo ma­lapit sa New Era nang ma­kita niya ang suspek na pa­gala-gala sa lugar dahilan upang agad siyang humingi ng tulong sa mga barangay tanod at ipinaaresto ito. (Ricky Tulipat)

Show comments