Cheryl Cosim tinutukan ng baril

MANILA, Philippines - Tinutukan ng baril ng hindi pa nakikilalang lalaki ang newscaster ng ABS-CBN na si Cheryl Cosim dahil lamang sa simpleng alitan sa kal­sada sa lung­sod Quezon, kama­kalawa.

Dumulog sa tangga­pan ng Criminal Investi­gation and Detective Unit ng QCPD, si Cheryl Cosim, 35, ng Windgate Villas Visa­yas Avenue sa lung­sod para magreklamo.

Base sa imbestigas­yon ng pulisya, nangyari ang insidente sa kanto ng Visayas Avenue at Congressional sa natu­rang lungsod bandang alas-4:30 ng hapon.

Sinasabing sakay ng isang Mitsubishi Out­lander(NZN-484) si Cosim kasama sina John at Ma­ nuel Alvarez, Cris­tina Bu­cayong na mina­maneho ni Joselito Alvarez at tinata­hak ang lugar pa­pauwi nang git­gitin umano sila ng isang Nissan Cefiro na mina­maneho ng suspek.

Ayon kay PO2 Lo­reto Tigno, ang nasa­bing driver ay nasa pa­gitan ng edad 40-45, na nagma­ma­neho ng isang itim na Nissan Cefiro (XPY-497).

Matapos gitgitin ay hindi pa nakuntento ang suspek at iniharang nito ang kanyang sasakyan at saka bumaba dito bit­bit ang isang baril tinu­tukan si Cosim habang pinaba­baba sila ng sa­sakyan.

Nang hindi pumatol ang grupo nila Cosim ay saka umalis ang suspek at pinaharurot nito ang kanyang sasakyan pa­pa­layo sa lugar.

Nakuha naman ng grupo ni Cosim ang plaka ng nasabing sasakyan at agad na nagpasyang du­mulog sa nasabing him­pilan para magreklamo.

Samantala, sa isina­gawang follow-up ng pulisya sa Land Trans­por­tation Office (LTO), naka­pa­ngalan ang Nis­san Cefiro (XPY-497) sa isang Richard Ordonez ng Road 10, Proj-6, Que­zon City na ginamit ng suspek.

Ito ngayon ang sini­simulang imbestigahan ng awtoridad para ma­tukoy ang nasabing sa­larin. (Ricky Tulipat)

Show comments