Nagtanong sa lasing, tinodas

MANILA, Philippines - Isang 30-anyos na lalaki ang nasawi habang sugatan ang kanyang kasamahan makaraang pagtulungang bugbugin at saksakin ng pitong lalaking nag-iinuman na minalas na kanil­ang na­pag­­tanungan ng bahay ng hinahanap nilang kaibigan, kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.

Nasawi habang nilala­patan ng lunas sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang si Dennis Espina, 30-anyos, driver, ng #246 Cham­paca 1, Barangay Fortune habang nagtamo ng sak­ sak sa braso at siko ang ka­sama niyang si June Alcanse.

Agad namang naaresto ang dalawa sa pitong suspek na sina Gilbert Monterde, 21; at kuya nitong si Ganie, 22, kapwa ng #34 Lower Balite, Baran­gay Fortune. Pinagha­hanap naman ang mga tuma­kas nilang ka­ samahan na sina Raul Sa­mulde, 23; Domingo Abayan, at tatlong iba pa. Hinahanap nina Espina at Alcanse ang bahay ng isa nilang kaibigan sa Lower Balite nang mapadaan sila sa kina­roroonan ng nag-iinumang mga suspek na ka­nilang tinanong.

Hindi nagustuhan ng mga lasing na susppek ang tipo ng mga biktima kung saan hu­man­­tong sa pagtatalo. Isa sa mga nag-iinuman ang nag­bunot ng patalim at inundayan ng saksak si Espina habang nagawang masalag ni Alcanse ang saksak sa kanya. (Danilo Garcia)

Show comments